Bira ni Spox Roque LENI 5-TAONG PALAMUTI SA GOBYERNO

0

(CHRISTIAN DALE)

IPINAALALA ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi nagkulang si Pangulong Rodrigo Duterte dahil binigyan niya ng posisyon sa gabinete si Vice President Leni Robredo ngunit mas pinili aniya nitong maging lider ng oposisyon.

Ito aniya ang dahilan kaya sa loob ng limang taon ay nagmistulang palamuti o dekorasyon na lamang sa pamahalaan ang bise presidente.

Tiniyak din ng Malakanyang na iba ang magiging tadhana ni Pangulong Duterte sakali’t magdesisyon itong tumakbo bilang bise presidente at manalo sa 2022 elections.

Tugon ito ni Roque sa naging pahayag ni Robredo na sana ay hindi pagdaanan ng presidente ang mga naranasan niya sa pagiging bise-presidente.

Giit ni Sec. Roque, hindi matutulad si Pangulong Duterte kay VP Leni dahil magkaiba naman ang sitwasyon nila.

“Talaga naman pong tayo ang tumatahak ng ating tadhana, siguro ganyan ang inukit na tadhana ni VP Robredo, sa tingin ko naman po iba ang magiging tadhana ni Presidente Duterte kung sakaling siya ang magiging VP,” diing pahayag ni Sec. Roque.

Ipinaalala rin niya na ipinuwesto si VP Leni noon sa housing subalit mas pinili nitong maging lider ng oposisyon.

Ani Sec. Roque, ito ang naging dahilan kaya naging palamuti na lamang siya ng limang taon at taga-puna sa mga ginagawa ng administrasyon.

“Kung maalala nyo po, binigyan ng cabinet post ng ating presidente si VP Leni pero siya po ang namili na nais niyang maging lider ng oposisyon kaya naging palamuti siya ng limang taon,” aniya pa rin.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment