BUDGET SECRETARY GIGISAHIN SA QUESTION HOUR NG KAMARA

Ni ABBY MENDOZA

Nakatakdang ipatawag ng House of Representatives at gisahin sa Question Hour si Budget Secretary Benjamin Diokno kaugnay sa mga alokasyon sa ilalim ng P3.757T national budget para sa susunud na taon.

Ang pagkuwestiyon kay Diokno ay salig sa inihaing House Resolution 2307 na humihiling na masagot ni Diokno ang mga isyung lumutang kaugnay sa 2019 budget partikular ang sinasabing insertion o pagsingit ng alokasyon para sa ibat ibang tanggapan ng gobyerno.

Ang 2019 budget ay tinuturing na election budget dahil na rin sa idaraos na midterm election.

Hindi pa namam alam sa ngayon kung kailan maisasalang sa question hour si Diokno lalo at malapit na amg Christmas break ng Kongreso sa Deccember 15.

Sakaling matuloy ay ito ang kauna unahang question hour na idaraos sa 17th Congress.

Ang question hour kung saan tatanungin ng mga mambabatas ang mga opisyal ng gobyerno ay bahagi ng oversight function ng Mababang Kapulungan.

17

Related posts

Leave a Comment