BUENAFE BAGONG BuCor OIC

(NI HARVEY PEREZ)

ITINALAGA ni Justice Secretary Menardo  Guevarra si Assistant Secretary at Deputy Director General Melvin Ramon G. Buenafe, bilang  Officer-in-Charge  ng Bureau of Corrections (BuCor).

Nabatid sa ipinalabas na Department Order 469 ni Guevarra, si Buenafe ang pansamantalang magiging kapalit ng nagbitiw  na si dating BuCor chief Nicanor Faeldon.

Kasabay nito, bumuo rin si Guevarra ng komite na pamumunuan ni  Justice Undersecretary Deo L. Marco,  Assistant Secretaries Neal V. Bainto at George Ortha II para magpatupad ng
close administrative supervision sa BuCor.

Ito umano ay hanggang hindi pa nakapipili si Pangulong Rodrigo ng bagong BuCor  Director General.

163

Related posts

Leave a Comment