BUHAY NG 2019 BUDGET EXTENDED NA

congress12

(NI BERNARD TAGUINOD)

EXTENDED hanggang Disyembre 31, 2020 ang maintenance and other operating expenses (MOOE) at capital outlay (CO)  ng  2019 national budget.

Sa botong 192 at walang kumontra, lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (BH) 5438 na naglalayong puwedeng gamitin ang MOEE at CO ng pambansang pondo ngayong 2019 hanggang Disyembre 31, 2020,.

Hindi sinabi ng Kamara kung magkano ang MOEE at CO sa 2019 national budget na nagkakahalaga ng P3.757 Trillion, ang hindi pa nagagastos.

Gayunpaman, nagkaroon umano ng delay sa implementasyon ng mga infrastructure projects at social services dahil sa election ban sa katatapos ng senatorial at local election.

Dahil dito, noong Nobyembre 4, ay inihain sa Kamara ang House Joint Resolution No.19 para sa ekstensyon ng MOEE at CO ng 2019 national budget kung saan 199 Congressmen ang pumasok,

Gayunpaman, dahil sa ruling ng Korte Suprema na hindi maaaring palitan ng isang resolusyon ang isang batas, ay nagpasya sina House deputy speaker Loren Legarda at House Appropriation committee chairman Isidro Ungab na palitan ito ng House Bill.

Wala naman itong kahirap-hirap na lumusot sa plenaryo ng Kamara at bersyon na lamang ng Senado at lagda na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangang para maipatupad.

Base sa kasalukuyang batas, lahat ng pondo na hindi magagastos hanggang sa katapusan ng taon ay hindi na maaaring magamit sa susunod na taon.

246

Related posts

Leave a Comment