BUKAS DAPAT ANG ILAW GABI’T ARAW

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Bukod sa malaking plaka, oobligahin na ang lahat ng mga motorcycle riders na magbukas ng kanil-ang ilaw hindi lang sa gabi kahit sa araw dahil kung hindi ay susuka ang mga ito ng hanggang P10,000 multa.

Ito ay matapos aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 8322 o An Act Requiring the Mandatory Compliance by all motorcycle riders and opera-tors to automatically turn on and ride with their headlights and on at all hours of the day and night on all roads,”.

Ginawa ng mga mababatas ang nasabing panukala upang mabawasan kundi man tuluyang mawa-la ang mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga nagmomotorsiklo, hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa

Ang motorcycle accident ay isa sa may pinakamaraming aksidenteng naitala sa bansa at isa sa mga nakikitang dahilan ng mga mambabatas dito ay dahil hindi bukas ang kanilang ilaw.

Inaantay lang ng Kamara ang counterpart bill nito sa Senado na makakatulong umano para mabawasan ang aksidenteng kinasasangkutan ng mga nagmomotorsiklo sa mga lansangan.

Maliban dito, inaatasan din ang mga manufacturer ng mga motorsiklo na magbenta ng mga unit na otomatikong bukas ang ilaw pagkaandar ng sasakyan.

Sinuman manufacturer o supplier ng mga motorsiklo na hindi susunod sa batas ay pagmumultahin ng P10,000 hanggang P50,000 at pagbawi sa kanilang lisensya sa pagnenegosyo sa bansa.

Kamakalawa lang ay ipinasa na sa Kongreso ang panukalang nag-aatas sa mga motorcycle riders na gumamit ng malaking plaka upang masugpo ang operasyon ng riding in tandem.

299

Related posts

Leave a Comment