Bwelta ni Rep. Marcos sa mga kritiko MAHARLIKA FUND UNANG ISINULONG NG PNOY ADMIN

BILANG tugon sa kabi-kabilang batikos, binasag ni presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang pananahimik sa bisa ng isang pagsisiwalat. Aniya, hindi siya – kundi ang administrasyon ng yumaong dating Pangulong Noynoy Aquino ang unang nagsulong ng Maharlika Wealth Fund.

Ayon sa batang Marcos, isang kahalintulad na batas ang inihain sa Kamara ng naturang panahon. Gayunpaman aniya, hindi na nakuha pang pagtibayin ang panukalang di umano’y inabutan ng pagtatapos ng termino ng mga halal na opisyal ng gobyerno.

Bukod kay Aquino, isinulong din sa ilalim ng termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Sovereign Investment Fund sa hangaring lumikha ng salaping kailangan ng pamahalaan para sa mga makabuluhang programa at proyekto para sa mamamayan.

“Well if you think about it, this isn’t a new idea. Sec. (Benjamin) Diokno already said they were looking at it during the time of [President Rodrigo] Duterte. If I’m not mistaken, former Senator Bam Aquino filed a bill in 2016 trying to do the same thing,” ayon pa kay Marcos na tumatayong senior deputy House Speaker ng Kamara.

“My guess is because hindi naipasa dahil patapos na ‘ang administrasyon ni former president PNoy. I believe Senator JV [Ejercito] also, nag-file ng bill. So it’s not a new idea,” dagdag pa ng bagitong mambabatas na pangunahing may-akda ng kontrobersyal na panukala.

Paniwala ng batang Marcos, naswertehan lang ng 19th Congress na ipasa agad ang Maharlika Wealth Fund Bill sa unang buwan pa lang ng bagong administrasyon ng kanyang ama.

Nanindigan rin ang kapwa kongresista at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pahayag ng batang kinatawan mula sa Ilocandia.

“Sovereign Wealth Funds are not new. Singapore, for example, has had Tamasek Holding since 1974 and the government of Singapore Investment Corporation since 1981,” ani Arroyo.
Sa Gitnang Silangan aniya, mahigit 20 ang sovereign wealth funds ang tinangka umanong gayahin ni dating Sen. Aquino.

“The success of any fund, sovereign or private, lies in the quality of its management. In the current versions of the Maharlika Wealth Funds, the President of the Philippines chairs its governing board. This is a powerful statement that the highest official of the land will hold himself as ultimately accountable to the Filipino peoples for the performance of the funds,” pagtatanggol ni Arroyo na kilalang kaalyado ng Pangulo.

Sa ilalim ng bagong bersyon ng House Bill 6398, magkakaroon ng 14 na miyembro (bukod sa Pangulo) MWF. Kabilang sa mga uupo sa isinusulong na MWF ang pamunuan ng iba’t ibangb ahensya ng pamahalaan upang tiyakin balanse ang magiging pasya ng MWF.

Kabilang sa mga itatalagang “tagapagbantay” ng pondo sa ilalim ng MWF ang pamunuan ng Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), LandBank, Development Bank of the Philippines (DBP), Bureau of Treasury (BTr) independent directors mula sa Philippine Stock Exchange, Bankers’ Association of the Philippines, akademya, limang kinatawan mula sa Kamara at limang mambabatas mula sa Senado. (BERNARD TAGUINOD)

47

Related posts

Leave a Comment