CAMPAIGN MOTORCADE BAWAL SA MAIN ROADS

campaign12

(DAHLIA S. ANIN)

IPINAGBABAWAL na sa mga pangunahing kalsada sa Metro Maynila ang mga campaign motorcade, ayon sa MMDA.

Sa panayam kay MMDA EDSA traffic Chief Inspector Bong Nebrija, maaaring ireport sa Commission on Election (Comelec) ang mga kandidatong mahuhuling lalabag dito at sa batas trapiko.

Nakiusap si Nebrija sa mga kandidato na kung maari ay iwasan ang mga pangunahing lansangan dahil malaking abala ito sa mga motorista lalo na sa mga papasok sa trabaho at sa mga taong  bumibiyahe.

Ayon pa sa opisyal na kung papayagan ang mga campaign motorcades sa major roads ay dapat sundin pa rin nila ang mga traffic lights at iba pang batas trapiko. Hindi rin umano pwedeng isara ang mga interseksyon para bigyang-daan ang mga motorcade at huhulihin pa rin ang mga motoristang sasama sa motorcade na lalabag sa batas trapiko gaya ng hindi pagsusuot ng helmet.

67

Related posts

Leave a Comment