PALASYO DUDA SA KASO NG PINAS VS CHINA SA ICC

icc12

(NI BETH JULIAN)

DUDA ang Malacanang kung makauusad sa International Criminial Court (ICC) ang kasong isinampa ng ilang dating opisyal ng gobyerno laban sa China.

Kasong crimes against humanity ang inihabla sa ICC laban sa China nina dating Foreign Affairs secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, na baka ibasura lamang ito ng ICC dahil environmental damage ang nilalaman ng reklamo bunsod ng reclamation activities ng China sa West Philippine Sea.

Paliwanag ni Panelo, hindi kasama ang environmental damage sa mga pwedeng hablang reklamo sa ICC.

Tanging mga kasong murder, extermination, at ilan pang kasong kriminal ang maaaring isampa sa ICC laban sa mga lider ng bansa na kasapi ng Rome Statute.

Bukod dito ay hindi rin kasapi ng Rome Statute ang China kaya lumalabas na hindi ito saklaw ng hurisdiksyon ng ICC.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na mas pasok ang pamahalaan sa diplomatic negotiation sa pamamagitan ng bilateral consultation mechanism para malutas ang usapin ng teritoryo sa South China Sea.

95

Related posts

Leave a Comment