CATRIONA BALIK-PINAS NA

catriona 100

BALIK-PINAS na ngayong alas-3 ng hapon si 2018 Ms. Universe Catriona Gray at inaasahang dagsa ang well-wishers nito matapos masungkit ang prestihiyosong beauty pageant noong Lunes sa Bangkok, Thailand.

Sinabi ni dating Ilocos Sur governor Luiz “Chavit” Singson na magkakaroon pa ng maikling press conference si Catriona sa Thailand bago lumipad sakay ang isang private jet pabalik ng bansa.

Makikipagkita rin ang bagong Ms. Universe kay Pangulong Duterte bago naman ito pumuntang New York City para sa kanyang mga tungkulin. Isang press conference din ang isasagawa gayundin ang pagdalo sa ilang charity events habang nasa bansa si Catriona.

Isa ring grand homecoming ang ikinakasa ngayon subalit hindi pa umano ito gagawin sa kanyang pagbabalik ngayon dahil nasa planning stage pa rin ng mga organisasyon. “Naka schedule ang magarbong pagsalubong sa bago nating treasure,”sabi ng mga organizers.

5

Related posts

Leave a Comment