(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY DANNY BACOLOD)
MASAYANG tinanggap ni Miss Universe Catriona Gray ang pagkilala na ibinigay ng mga senador nang dumalaw ito sa Senado Martes ng hapon.
Pinangunahan ni Senate President Vicente C. Sotto III ang pagtanggap kay Gray na masayang sinalubong ng iba pang miyembro ng Senado kabilang sina Senador Gregorio Honasan at Nancy Binay.
Ipinagmalaki ni Sotto ang pagkakakilala sa mga Filipino sa larangan ng beauty pageant na naghakot ng maraming parangal.
It is a common knowledge in the world that the Philippines has held an exemplary track record in world beauty pageants for being consistently in the top ten, and each of these, regardless of title and rank, has definitely brought pride to every Filipino,” sabi pa ni Sotto.
“Winning the most coveted Miss Universe brings great honor, glory and recognition to all Filipinos and it deserves nothing better than a high level of praise. We are truly blessed and honored that Miss Universe, Catriona Elisa Gray, is here with us today, to personally receive, and has received, a commendation from the members of the Senate of the Philippines,” dagdag pa nito.
Ilang resolusyon ang magkakahiwalay na inihain sa Senado nina Sotto, Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Binay.
Sa inihaing Senate Resolution 975 ni Sotto, tinukoy nito ang pagdaig ni Gray sa 93 iba pang kandidata mula sa iba’t ibang bansa sa katatapos na 67th Miss Universe Pageant noong Disyembre 17, 2018 sa IMPACT Arena, Muang Thong Thani, Bangkok, Thailand.
Si Gray na ikaapat na Filipina na nakakuha ng korona ng Miss Universe kung saan noong 1969 ay nanalo si Gloria Diaz na sinundan naman ni Margarita Moran noong 1973 at pinakahuli ay si Pia Alonzo Wurtzbach noong 2015.
Dahil dito, nalagay sa ikaapat ang Pilipinas sa may pinakamaraming titulo ng Miss Universe kung saan nangunga ang USA na may walong titulo, pito naman sa Venezuela, lima sa Puerto Rico at tatlo naman ang bansa Sweden.
197