(NI NOEL ABUEL)
BINATIKOS ni Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte na sadyang hindi nito natupad ang pangako na sosolusyunan ang krimen, kurapsyon at pagkalat ng illegal na droga na sa kasalukuyan ay lalong lumala.
“Klaruhin ko lang, ang mga pangunahing pangako nya na lulutasin nya ang crime, corruption at illegal drugs in 3 to 6 months, ay lalong lumala,” giit nito.
“Nagkalat na ang mga killers ngayon sa lansangan. Pinakawalan nya rin ang lahat ng mga kaalyado nyang mandarambong. Sa iligal na droga naman, ni hindi nya mahanap o hindi hinahanap ang mga nasa likod ng P6.4 bilyon at P11 bilyon shabu shipments,” ayon dito.
Minaliit din ni Trillanes ang sinabi ng Pangulo na nagawa nito ang lahat ng pangako nito maliban na lamang ang problema sa pagsisiskip ng trapiko sa bansa dahil sa hindi ito binigyan ng Kongreso ng emergency powers.
“Papano siya bibigyan ng emergency powers, eh nu’ng tinanong kung ano ba plano nila, wala silang maipakita. Gusto lang n’ya ma-corner ulit ng Davao group ang mga infra projects with the emergency powers,” aniya pa.
222