CELLPHONE SUSI SA 34 MISSING SABUNGERO

sabong

MATAPOS ang isang taon, palaisipan pa rin ang kinaroroonan ng nasa 34 nawawalang sabungerong pinaniniwalaang dinukot at pinaslang kaugnay ng di umano’y game fixing sa patok subalit ilegal na e-sabong.

Gayunpaman, naniniwala si Major General Eliseo Cruz na tumatayong Philippine National Police (PNP) Director for Investigation and Detection Management na malaki ang maitutulong ng mga telecommunications company para ganap nang matukoy ang mga malalaking tao sa likod ng naturang mga insidente.

Ani Cruz, higit na kailangan ang kooperasyon ng mga telecom firms para halukayin ang talaan ng mga mensahe at tawag sa dalawang teleponong narekober ng mga imbestigador.

“They have been invited by the CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) to explain why they are in possession of those cell phones,” sambit ni Cruz, na minsan na rin pinamunuan ang CIDG.

Bukod sa narekober na cellphones, kabilang rin sa target silipin ay palitan ng mensahe at mga tinawagan ng mga numerong gamit ng mga nawawalang sabungero.

Paglilinaw naman ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., sinampahan na ng PNP-CIDG ng kasong kriminal (kabilang ang kidnapping) laban sa mga pulis na nakatalaga sa Laguna Police Provincial Intelligence Branch matapos ang pumutok ang impormasyon hinggil sa pagdukot ng limang biktima sa naturang lalawigan.

Bukod sa mga pulis-Laguna, nahaharap din sa kasong kidnapping with serious illegal detention ang ilang security personnel ng Manila Arena kung saan nakita ang mga huling sandali ng iba pang sabungerong hindi pa rin makita.

Sa tala ng PNP, may walong iba pang kaso ang hindi pa rin nananatiling walang linaw – lima sa Laguna, isa sa Batangas, isa sa Bulacan at isa sa Maynila.

“They really can be used in our further investigation with the help of concerned telcos.” (CYRILL QUILO)

23

Related posts

Leave a Comment