CHARACTER-BASED VIDEO GAMES IPAGBABAWAL

(NI BERNARD TAGUINOD)

ISINISISI ng isang mambabatas sa video games kung bakit nagiging agresibo ang mga kabataan ngayon lalo na sa sex kaya nais nitong ipagbawal ang ganitong laro sa mga ito.

Sa House Resolution (HR) 342 na inakda ni 1Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta, inatasan nito ang House committee on welfare of Children na magsagawa ng imbestigasyon upang makagawa ng batas na magbabawal sa mga kabataan na maglaro ng Character-based video games.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos lumabas sa isang pag-aaral na masama umano ang epekto sa mga kabataan na naglalaro ng character-based video games.

“Whereas, na new study suggest that teenagers who play risk-glorifying, chartecter-vase video games rate for mature audience are more likely to act aggressively, drink alcohol, smoke cigarettes and have unprotected sex,” ayon sa panukala ni Marcoleta.

Lumalabas aniya sa pag-aaral na ito na mga game players ay ginagaya ang mga character na kanilang nilalaro na masyado umanong mapanganib kaya dapat aniyang gumawa na ng batas para dito upang mailigtas at hindi mapariwara ang mga kabataang Filipino na naglalaro sa ganitong video games.

“Whereas, lead author Jay Hull tol Rueters Health that “Your moral compass is warped as a consequence of practicing being a deviant character in these games, adding that “If your kids are playing these games, it’s not a good sign of things to come”,” dagdag pa ng mambabatas.

Nais ni Marcoleta na hindi dapat payagan ang mga kabataan na hindi pa tumutuntong a edad 18 anyos na maglaro ng ganitong video games subalit kailangan aniya dito ang batas.

 

137

Related posts

Leave a Comment