CHINA SINUPALPAL SA PAG-REJECT SA CONGRESS RESO

WALANG karapatan ang China na ireject ang resolusyong pinagtibay sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na kumukondena sa kanilang mga ilegal na aktibidad sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang panunupalpal ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa Chinese Foreign Ministry na kinontra ang House Resolution (HR) 1494 na pinagtibay ng Kamara noong Miyerkoles ng gabi.

“It is our prerogative to express our collective sense on continued Chinese intrusion and encroachment on our maritime waters, and their persistent harassment and bullying of our navy, coast guard and fishermen. No country can deny us that,” ani Rodriguez.

Ayon sa mambabatas, ilegal ang mga aksyon ng China sa WPS at karapatan ng Pilipinas na kondenahin ang mga ito at protektahan ang 200 nautical miles exclusive economic zone na ginarantiya ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration (PCA).

Walang matinong bansa aniya ang hahayaan ang harap-harapang pananakop sa kanilang teritoryo tulad ng ginagawa ng China sa WPS at patuloy na panghaharass ng mga ito sa mga Pilipino sa nasabing teritoryo.

“They cannot insist on owning areas that are inside our 200-mile exclusive economic zone (EEZ), like Ayungin Shoal and Recto Bank in Palawan, and Scarborough or Panatag Shoal or Bajo de Masinloc off Zambales and Pangasinan, which China seized in 2012,” ayon pa sa kongresista.

Umapela naman si House deputy minority leader France Castro sa sambayanang Pilipino na magkaisa para ipaglaban ang ating teritoryo sa WPS dahil lalong nagiging agresibo ang China.

Reaksyon ito ng mambabatas matapos bombahin ng Chinese Coast Guard ang dalawang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagdala ng pamaskong handog sa mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc at maging ang mga nagdala ng supply sa mga sundalo na nakadeploy sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal.

“Again we urge our fellow nations to stand with us in defending our sovereignty and asserting our rights. Together, we can send a strong message to China that their aggressive claims have no basis and will not be tolerated,” ani Castro.

Kailangan din aniyang dagdagan ang pagpapatrulya sa WPS para ipakita sa China na handa ang Pilipinas na ipaglaban ang kanilang teritoryo.

(BERNARD TAGUINOD)

70

Related posts

Leave a Comment