(NI AMIHAN SABILLO)
NAMATAAN ang isang Chinese frigate na umaali-aligid sa unang corvette ng Philippine Navy habang patungo ng Pilipinas mula sa South Korea.
Ito ang inihayag ni Phil Navy Flag-Officer-in-Command Vice Admiral Robert Empedrad, nag-“shadow” anya ang naturang barkong pandigma ng China na BRP Conrado Yap, ngunit umalis din nang sabihan sila ng Philippine Navy na papasok na ito sa teritoryo ng bansa.
Sinabi ni Empedrad, hindi umano mag-aatubili ang Philippine Navy na bigyan ng babala ang anumang Chinese vessel na mamataan nila sa loob ng territoryo ng bansa.
Lalo na umano ngayong na nasa serbisyo na ang BRP Conrado Yap na itinuturing na pinakamalakas na barko sa ngayon sa buong Philippine Navy fleet.
Ang BRP Conrado Yap, ay isang refurbished pohang-class corvette ng South Korea, ay may dalawang 76-millimeter oto melara cannon, dalawang 40-mm otobreda guns, anti-aircraft guns, anti-surface, anti-submarine, at anti-air warfare capabilities.
Mayroon din itong dalawang gas turbines para sa bilis at may kakayahang tumagal ng 20 araw sa karagatan para sa mas epektibong pagpapatrulya.
Ayon Kay Empedrad, ang pagdating ng BRP Conrado Yap ay isang makasaysayang okasyon at “morale booster” para sa kanila, dahil sa malaking “impact” ng barko sa kakayahan ng Philippine Navy.
201