CHINESE MONEY SA 2019 ELECTION, POSIBLE – SOLON

Hindi isinasantabi ng isang opposition congressman ang posiblidad na magkaroon ng Chinese money sa 2019 mid term election para matulungang manalo ang mga kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“It’s a possibility. Its very dangerous actually,” ani Magdalo party-list Rep. Gary Alejano sa press conference nang natungin kung may posibilidad na tutulong ang Communist party ng China sa PDP-Laban lalo na’t mayroong alyansa ang dalawa.

“For me the reason why the Communist party of China signed an agreement,” ayon pa kay Alejano.

Nangyari na umano ito sa Sri Lanka kung saan may report umano na tinulungan ng China sa pamamagitan ng mga Chinese company na pumasok sa nasabing bansa, ang kandidatong sinuportahan nila.

“So malaki din ang posibilidad na tutulong sa mga kandidato ng administration kasi China wantedbstatus qou, much more sa ipinapakitang almost subservient direction ng bansang ito,”  ani Alejano.

Gayunpaman, inamin ng mambabatas na mahirap bantayan ang pagpasok ng pera ng China na itutulong ng mga ito sa kandidato ng administrasyon dahil mahina umano ang bansa sa pagbabantay sa ganitong usapin.

Subalit kailangan umanong magbantay dahil hindi maaaring makialam ang ibang bansa sa mga internal affairs ng mga Filipino lalo na pagdating sa usapin ng paghalal ng mga lider ng bansa. Bernard Taguinod

90

Related posts

Leave a Comment