CHR TINIYAK KOOPERASYON SA ICC

HANDA ang Commission on Human Rights (CHR) na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon nito sa drug war sa Pilipinas sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Gayunman, walang ideya at hindi pa alam ni CHR chair Richard Palpal-Latoc kung anong ‘specific cases’ ang titingnan ng ICC.

Bukod dito, hindi pa hinihingi ng ICC ang tulong ng komisyon kaugnay sa anomang kaso.

Ang huling kaganapan hinggil sa ICC ay nang magbotohan ang Appeals Chamber nito noong Hulyo 18 kung saan lumabas na 3-2 ang boto na tinanggihan ang apela ng gobyerno ng Pilipinas na itigil ang imbestigasyon sa drug war.

Pinagtibay ng ruling ang nauna nitong desisyon noong Enero sa pamamagitan ng Pre-Trial Chamber na payagan ang imbestigasyon ukol sa drug war, kahit pa hayagan ang pagturing ng gobyerno ng Pilipinas na kawalan ng kahandaan nito na imbestigahan o usigin ang kaugnay na krimen.

Ang naturang desisyon ay nagbukas ng bagong yugto sa drug war case, nabigyan ng pagkakataon si ICC Chief Prosecutor Karim Khan na isulong ang pag-uusig sa ilang indibidwal.

“If Khan pursues charges, these could fall on Duterte and his Philippine National Police (PNP) chief at the height of the drug war, Sen. Ronald dela Rosa,” ayon kay human rights lawyer Neri Colmenares.

(CHRISTIAN DALE)

64

Related posts

Leave a Comment