CIDG MAY NASILIP NA EBIDENSIYA KAY ALBAYALDE?

(NI BERNARD TAGUINOD)

POSIBLENG nakasilip na ebidensya ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban kay dating Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde sa kaso ng ninja cops kaya isinama ito sa kaso.

Ito ang paniniwala ni House committee on dangerous drugs chairman Robert Ace Barbers nang isama ng CIDG sa kaso ng 13 ninja Cops si Albayalde na nakahain sa Department of Justice (DoJ).

“Oo, siguro,” ani Barbers nang tanungin kung posibleng may nasilip na ebidensya ang CIDG na dating pinamumunuan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, kaya ito isinama sa kaso.

Gayunpaman, sinabi ni Barbers na nakadepende pa rin aniya sa mga DOJ prosecutors kung tatanggapin o hindi ang ebidensyang nakita ng CIDG laban kay Albayalde.

Mga tauhan ni Albayalde ang 13 ninja cops na nakakumpiska umano ng 200 kilo ng shabu sa isang Korean national sa isang raid na na isinagawa ng mga ito noong Nobyembre 29, 2013 subalit 38 kilos lamang umano ang idineklara ng mga ito.

Maliban dito, inakusahan din ang ninja cops na pinakawalan ang Korean national na si Johnson Lee kapalit ng P50 Million at humuli ang mga ito ng ibang dayuhan na walang kinalaman sa kaso.

 

121

Related posts

Leave a Comment