COMELEC KINALAMPAG SA FINAL LIST NG KANDIDATO

COMELEC-DARAGA ALBAY

(Ni NOEL ABUEL)

PINAMAMADALI ng ilang senador sa Commission on Elections (Comelec) ang pagpapalabas ng pinal na listahan ng mga kandidato para sa senatorial elections.

Panawagan ni Senador Nancy Binay, mahigit isang buwan na lamang ay magsisimula na ang kampanya para sa national eletions subalit hanggang ngayon ay wala pa silang numero para sa balota.

Ipinaliwanag nito na dapat ay December 15, 2018 pa ang paglalabas ng final list subalit naurong ng katapusan ng December subalit hanggang ngayon ay bigo pa rin ang Comelec na ilabas ito.

Samantala, aminado si Binay na hindi ito dapat magpakampante kahit mataas ang kanyang ranking sa survey.

“At the end of the day ang mahalaga ‘yung mangyayari on May 13 kasi ang survey pagbago-bago ‘yan kahit nasa top 12 ka anything can happen. Sa akin ang mind set ko kumbaga parang di ako pumapasok sa top 12 kaya kailangan mas sipagan ko pa,” paliwanag pa ng senadora.

6

Related posts

Leave a Comment