COMELEC OFFICIAL MAY P1-B OFFSHORE ACCOUNT?

MAGHAHAIN ng resolusyon ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para imbestigahan ang halos isang bilyong pisong offshore accounts na nauugnay umano sa isang Commission on Elections (Comelec) official.

Sa press conference kahapon ni Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta, sinabi ng mambabatas na nakatanggap ito ng impormasyon sa paggalaw ng mga offshore account habang umuusad ang kontrata sa pagitan ng Comelec at MIRU system.

“The most intriguing part here ladies and gentlemen is that these accounts is traceable to a Comelec official,” ani Marcoleta.

Ayon sa mambabatas, nakarating sa kanyang kaalaman ang pagkilos ng pera sa 18 bangko sa apat na bansa tulad ng Singapore, China/Hong Kong Caribbean at North Amerika na nagkakahalaga ng US$15.2 million o halos P1 bilyon.

Sa nasabing halaga, US$2.1 million o mahigit P120 million ay idineposito sa mga Korean Bank sa pagitan ng June 22, 2023 hanggang Marso 22, 2024.

Inihalimbawa ng mambabatas ang idineposito nina Stephen Schultz/Kyong Baek na $148,400 sa Account No. 5530198142761 sa Standard Chartered Bank sa Korea kung saan ang recipient offshore account ay Standard Chartered Bank sa Singapore noong June 22, 2022.

“We should note that Miru system is from South Korea,” ani Marcoleta. Nagkataon na ang pagdeposito ay parehong buwan nang ideklara ng Comelec na “unserviceable” ang Vote Counting Machines (VCM) na hawak ng mga ito.

Muling nagkaroon na deposito umano noong Agosto 15, 2023 sa Woori Bank sa Seoul, Korea na ang recipient na offshore account ay Bank of Shanghai sa China na nagkakahalaga ng US$157,350.

“Ang katapat na milestone, the Comelec approved the term of reference for 2025 national elections pero the TOR was approved without convening the Comelec advisory Council which Is violation of Omnibus election code,” ayon pa kay Marcoleta.

“Sa ngayon, base on our verification it leads to only one person. Pero yung 49 offshore accounts talagang, muntik na akong mahulog sa upuan ko, talagang nakakabigla ito. I myself did not expect this,” ani Marcoleta. (BERNARD TAGUINOD)

41

Related posts

Leave a Comment