(NI BETH JULIAN)
NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalit ng pangalan sa Compostela Valley bilang Davao de Oro.
Noong Mayo 17 nang lagdaan ni Pangulonvg Duterte ang Republic Act No. 11297, na inihayag lamang nitong May 23.
Pero bago tuluyang kilalanin na Davao de Oro ay kailangan muna itong aprubahan ng mga residente sa pamamagitan ng isang Plebesito.
“The remaining of the Province of Compostela Valley as the Province of Davao de Oro shall be subject to ratification by a majority of the votes cast by the qualified voters in a plebiscite to be conducted in the present Province of Compostela Valley,” nakasaad sa batas.
Ayon kay Senator Sonny Angara, may akda ng batas, iginiit nito na ang Davao de Oro ang nararapat na ipangalan dito dahil ito ay may pinakamalawak na gold deposit sa buong bansa.
139