CONSING ITINALAGANG CEO NG MAHARLIKA CORP.

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Rafael D. Consing Jr. bilang pangulo at Chief Executive Officer (CEO) ng Maharlika Investment Corporation (MIC).

Si Consing ay kasalukuyang Executive Director ng Office of the Presidential Adviser for Investment & Economic Affairs (OPAIEA) sa ilalim ng administrasyong, responsable siya sa pagpapatakbo ng “day-to-day operations” ng OPAIEA, nagpapatakbo ng napapanahong paghahatid ng investment projects, at nagbibigay ng policy recommendations para isulong ang “investment at economic agenda” ng Pangulo.

Bago pa ang pagtatalaga sa kanya sa government service, nakita rin ang kanyang “impressive career” sa pribadong sektor.

Sa kabilang dako, inaasahan naman na magagampanan ni Consing ang mahalagang papel nito para palakasin ang investment strategies ng korporasyon at makapag-aambag sa paglago ng ekonomiya at pagyabong ng Pilipinas.

Ang Maharlika Investment Corporation, nilikha sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 11954, ay magsisilbing investment body na magiging responsable sa pangkalahatang pangangasiwa ng pondo.

Inaasahang magiging “fully operational” ito sa susunod na taon.

Ang MIC ang tutukoy sa mga infrastructure projects na maaaring ituring na financially at commercially viable na pamumuhunan. Bubuo rin ito ng investment strategies na sasaklaw sa mga umuusbong na megatrend tulad ng sa kalikasan, sa panlipunan, sa governance, digitalization at health care.

Ang PCEO, itinalaga ni Pangulong Marcos ay may tatlong taon na termino, titiyakin na magpapatuloy ang MIC na makagawa ng mahalagang kontribusyon sa “long-term economic prosperity” ng bansa.

(CHRISTIAN DALE)

137

Related posts

Leave a Comment