(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
UMUGONG kahapon ang balita kaugnay ng ‘pamemeke’ umano ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., ng diploma para palabasing nagtapos siya sa University of Santo Tomas (UST).
Ngunit agad itong pinabulaanan ng kalihim.
Ang totoo, ayon kay Tiu Laurel Jr., hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil naging batang ama siya sa edad na 19.
Mali aniya ang mga kumalat na balita na graduate siya ng UST.
Nabatid na maging ang The Varsitarian, ay nagpost sa X para pabulaanan na nagtapos sa kanilang paaralan si Tiu Laurel.
“Based on our records in the Office of the Registrar, agriculture secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. is not a UST Computer Science alumnus,” sabi ni Assistant Registrar Kashmer Cruz sa Varsitarian.
Ang profile ni Laurel na nilathala online ay nagsasabing siya ay UST computer science alumnus.
Nito lamang Nobyembre nang hinirang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang industrialist at fishing magnate na si Tiu Laurel Jr. bilang bagong Kalihim ng Department of Agriculture (DA).
196