(NI BERNARD TAGUINOD)
KAILANGANG ilatag na ng mga ahensiya ng gobyerno ang kanilang contingency plan para paghandaan sakaling lumala pa ang girian ng Estados Unidos at Iran matapos mapatay ng Amerika ang top Iranian General sa Iraq kamakailan.
Ito ang pawang panawagan ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos magbanta ang Iran na gaganti ang mga ito sa pagpatay ng Amerika kay Major General Qasem Soleimani.
“I think we should have a head count (now). The situation is dangerous right now especially to our OFW (Overseas Filipino Workers). So dapat, contingency plan should now discuss between DOLE (Department of Labor and Employment),” ani House labor committee chair Eric Pineda.
Nabatid na umaabot sa 1.2 million ang OFWs na nagtatrabaho sa Gitnang Silangan at dahil masyadong marami ang mga ito ay nanawagan si Pineda sa mga ito na makipag-ungayan na ang mga ito sa mga embassy personnels sa bansang kinaroroonan ng mga ito.
“We should prioritize the safety of our Overseas Filipino Workers in the Middle East should there be a retaliation after the death of Iran’s commander of the elite Quds forces,”ayon naman kay ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran.
Maliban dito, dapat din aniyang paghandaan ng gobyerno ng Pilipinas kundi ang maging epekto ng giriang ito ng US at Iran sa presyo ng langis at abatan ang posibleng pagsasamantala ng mga kumpanya ng langis.
Ayon sa lady solon, masasaktan nang husto ang mga consumers kapag sinamantala ng mga oil companies ang situwasyon sa gitnang silangan lalo na’t muling tataas ang presyo ng lahat ng produktong petrolyo ngayong Enero dahil sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
“Possible rise of local petroleum prices, compounded by the additional excise tax could blow up inflation rates if the government doesn’t act sooner,” ayon pa kay Taduran.
192