(NI NOEL ABUEL)
KINASTIGO ni Senador Francis Tolentino ang Department of Agriculture (DA) sa pagpayag nitong mag-import ng galunggong sa kabila ng sapat ang bilang nito.
Ayon kay Tolentino, una nang sinabi ni DA Sec. William Dar na marami ang supply ng galunggong sa bansa kung kaya’t nakapagtatakang kailangang mag-import sa ibang bansa.
“Exactly 34 days ago, sinabi mo sa budget hearing na 98.5% ang ating round scad pero bakit ngayon nag import na tayo ng galunggong? Tayo pa naman ang may 5th largest shoreline sa mundo,” pag-uusisa ng senador kay Dar, habang sumasailalim sa deliberasyon ng Commission on Appointments (CA).
Idinagdag pa nito na bagama’t nakapag-import ang DA ng galunggong ay nananatili pa ring mataas ang presyo nito sa merkado.
“Prior to the importation, as of Nov. 27, 2019, the retail price of round scad or galunggong is P220 pero after the importation, P320 na ang retail price. Nagmahal pa ang presyo,” aniya pa.
193