DA PINAKIKILOS LABAN SA VEGETABLE SMUGGLERS

PINABABANTAYAN ni Senador Raffy Tulfo sa Department of Agriculture ang apat na tinukoy nitong indibidwal na sangkot sa agricultural smuggling.

Sa pagdinig sa panukalang budget ng Department of Agriculture, tinukoy ni Tulfo sina Michael Yang, Andrew Chang, Lea Cruz at Manuel Tan na matagal na anyang sangkot sa pagpupuslit ng mga gulay sa bansa.

Sinabi ni Tulfo na sa kanyang impormasyon, may mga ‘kaibigan’ ang apat na indibidwal sa DA kaya’t malaya silang nakakapag-smuggle ng mga gulay.

Idinetalye ng senador na si Yang ay nag-ooperate sa lahat ng port sa Pilipinas habang si Chang ay nakatutok sa MICP samantalang si Cruzay may operasyon sa MICP at Cagayan de Oro at si tan ay nakabase sa Subic, Cagayan de Oro at Batangas.

Tiniyak naman ng Bureau of Plant Industry na patuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa Bureau of Customs upang tutukan ang pangharang sa smuggled vegetables katunayan ay sa kanilang operasyon ay nakasabat pa sila ng P58 milyong halaga ng droga.

Pinagsabihan ni Tulfo ang DA na tiyaking hindi moro-moro ang kanilang operasyon lalo na ngayong papalapit ang panahon ng kapaskuhan at inaasahang daragsa pa ang smuggled vegetables sa bansa. (DANG SAMSON-GARCIA)

11

Related posts

Leave a Comment