DAGDAG-BAYAD NA INILABAS NG CHED SA MGA STATE U PINALAGAN

ched12

(NI BERNARD TAGUINOD)

PINALAGAN ng kinatawaan ng mga Kabataan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang 141 fees sa mga State Universities and Colleges na inilabas ng Commission on Higher Education (CHED) na sisingilin pa rin sa mga estudyante.

Ayon kay Kabataan party-list Rep. Sarah Jane Elago, hindi makatuwiran ang mga bayaring ito dahil taliwas ito sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act  o Free Education law.

“This is contrary to the spirit of the law and the aspiration of millions of Filipino youth and students who campaigned and fought for their right to free education,” ayon sa mambabatas.

Sa Memo umano ng CHED na inilabas ni Elago, kabilang sa mga 141 bayarin ng mga estudyante sa mga public universities and colleges ay mga materyales na gagamitin sa laboratory, scannable form, module fees, energy fee, alumni fee, thesis defense fee, approved curriculum, environment seminar, student day fee, Linggo ng Wika fee, leadership training seminar, academic contest, student film festivals, student forum at marami pang iba.

“Ang esensya ng libreng edukasyon ay ang pagtanggal sa sistema ng koleksyon ng mga bayarin. Ayaw na natin na makahadlang ang kawalan ng pambayad para sa pagkamit ng karapatan sa edukasyon,” ayon pa sa mambabatas.

Nagsimulang ipatupad na umano ang memo na ito ng CHED sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Maragondon Cavite at Lopez Quezon dahil sa pangongolekta ng Certificate of Grade fees.

Sinabi ni Elago na kaya ginawa ang batas upang masiguro na walang gagastusin ang mga mahihirap na estudyante subalit dahil sa mga napakaraming bayaring ito ay tiyak na mahihirapan ang mga kabataan at maging ang kanilang magulang.

“Sinisingil na naman tayo ng napakaraming bayarin samantalang wala pa ring pondo ang maraming student councils and publications. Bulok pa rin ang pasilidad at napakaliit pa rin ng budget sa edukasyon. Sa mga private schools and universities naman, 1400 ang eskwelahan na nakaambang magtaas,” dagdag pa ng grupo ni Elago.

 

100

Related posts

Leave a Comment