P86-B NAKOLEKTA NG BIR SA TRAIN ACT

tony lambino12

(NI BETH JULIAN)

PUMALO na sa P86 bilyon ang nakolekta ng pamahalaan sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act para sa taong 2018.

Mas mataas ito ng 108.1 percent kumpara sa target na P63.3 bilyon na TRAIN revenue collection sa 2018.

Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Finance Asst. Secretary Tony Lambino, kung performance ng TRAIN revenue ang pag uusapan, magagawa nitong lampasan ang itinakdang target collection kung saan malaking bahagi rito ay nagmula sa tax, documentary stamp at buwis mula sa tobacco products.

Samantala sa tax colection ng BIR sa taong 2018, nasa 96 percent lamang o kabuuang P1.962 billion ang nakolekta ng BiR.

Ayon kay BIR spokesperson Deputy Commissioner Marissa Cabreros, malaking hakbang ito sa hindi naaabot na collection target mula sa produktong petrolyo, cosmetics at mga buwis na nagmumula sa sugar beverages gaya ng softdrinks at 3-in-1 na kape.

Gayunpaman, sinabi ni Cabreros na mayroong ginagawang hakbang ang pamahalaan para maabot ang target revenue collection para sa mga susunod na taon.

 

79

Related posts

Leave a Comment