(NI LILIBETH JULIAN)
PURSIGIDO si Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad na sa lalong madaling panahon ang panukalang batas para sa pagpapataw ng dagdag-buwis sa alak at sigarilyo.
Sa talumpati ng Pangulo sa Barangay Summit on Peace and Order sa Pasay City kahapon, binigyan diin nito ang masamang epekto sa kalusugan ng labis na paninigarilyo at pag inom ng alak.
Ayon sa Pangulo, walang ibang maidudulot ang sigarilyo at alak kungdi ay ang pagkakaroon ng karamdaman gaya ng cancer o pneumonia.
“Gaya ng aking ama, maagang pumanaw dahil sa labis na paninigarilyo. Wala talaga magandang dulot ang sigarilyo at alak,” pahayag ng Pangulo.
Idinagdag pa nito na gaya rin ng kanyang kamag anak na si dating Congressman Boy Nograles na namatay matapos manatili sa intensive care unit ng ilang panahon dahil sa pneumonia.
“Pati ako rin nagkaroon ako ng sakit sa lalamunan dahil matindi ako uminom ng alak nung kabataan ko,” ayon pa sa Pangulo.
349