HIV-AIDS LAW PIRMADO NA NI DUTERTE

aids

PIRMADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine HIV and AIDS Policy Act of 2018 na naglalayong makatulong sa pagtugon sa problema ng mga ganitong uri ng sakit sa bansa.

Napapanahon umano ang pagkakapasa at paglagda sa batas sa harap ng ulat ng Department of Health (DoH) na ang Pilipinas ay may pinakamataas na pagdami ng kaso ng HIV sa Asia-Pacific region mula 2010 hanggang 2016.

Inihayag ni Sec. Panelo na ang pagpirma sa batas ay  makakatulong nang malaki sa pagbawas ng “stigma” sa mga pasyenteng may sakit na HIV o AIDS.

Ayon sa data ng DoH, umaabot sa 954 bagong kaso ng HIV ang naitala noong September 2018 kung saan umabot na sa kabuuang 8,533 ang bilang ng may HIV infections sa unang siyam na buwan ng 2018. Nasa 60,000 kaso ng HIV naman ang naitala sa bansa mula noong 1984.

172

Related posts

Leave a Comment