DAGDAG BUWIS SA PETROLYO APRUB KAY DU30

PETROLYO-12

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang pisong dagdag sa excise tax ng mga produktong petrolyo.

Sabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno, magsisimula ito sa Enero ng susunod na taon.

Ang dagdag-buwis ay bahagi pa rin ng implementasyon ng Tax Reform Accesiblity and Inclusion (TRAIN) Law.

Nangangahulugang sisikad uli ang presyo ng maraming  produkto sa susunod na taon, sapagkat nakarugtong ang mga ito sa presyo ng produktong petrolyo.

5

Related posts

Leave a Comment