DAGDAG NA BILANG NG HUWES HINILING

Ni NOEL ABUEL

Napapanahon nang bigyan ng oras ng gobyerno ang pagpapabuti sa judicial system sa bansa kabilang ang pagdaragdag ng bilang ng mga korte.

Apela ni Senador Richard Gordon sa mga kapwa nito mambabatas na suportahan ang panukalang batas na naglalayong madagdagan ang bilang ng mga huwes at sa iba pang posisyon sa korte.

“We have been investing heavily in infrastructure—roads, bridges, airports, schools, and the like. It is high time we invest in our judges and in the justice system. It is high time for the government to add judges where statistics clearly prove they are needed. Courts are deeply embedded in every aspect of our country’s society, economy and governance. They are very important in enabling and ennobling the lives of our countrymen,” paliwanag ni Gordon na may-akda ng Senate Bill No. 2065.

Base sa datos, Hunyo 30, 2018 aabot na sa 178, 582 ang nakahaing kaso sa korte na malayong-malayo sa itinakda ng Korte Suprema na 300 sa mga Regional Trial Court habang 500 naman sa municipal trial courts.

Idinagdag pa ni Gordon na nasa 2,663 ang mga huwes sa RTC at MTC kung saan katumbas ito ng isang huwes sa 37, 927 katao.

Tinukoy pa ng senador na napapanahon na magdagdag ng 150 judges-at-large positions para mabigyan ng sapat na oras ang mga huwes na mapag-aralan nang husto ang mga hawak nitong kaso.

“This is an astounding statistic stressing one of the problems in our country: there are not enough courts or judges to meet the demands of our countrymen. Not just that our judiciary play catch-up with the current caseload, but we want to be ahead. ‘Justice delayed is justice denied.’ We cannot wait for Godot,” ayon pa kay Gordon.

Makakatulong din umano ito para mabawasan ang dumaraming bilang nga mga nakakulong sa piitan kung saan sa datos ng Bureau of Correction nasa 41, 258 ang nakakulong samantalang nasa 19, 268 lang ang total capacity ng naturang piitan.

6

Related posts

Leave a Comment