MO #32 DI HUDYAT NG ML- PALASYO

Ni LILIBETH JULIAN

Dumipensa ang Malacanang sa ulat na hudyat ng Batas Militar ang inilabas na Memorandum Order No. 32.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo Jr., ang nilalaman ng MO No. 32 ay nag-aatas na dapat na mas mahigpit sa pagpapatupad ng batas upang mapigilan ang karahasan o terorismo na gagawin sa mga nabanggit na lugar.

Nilinaw ni Panelo na hindi ito ang sinasabing hudyat ng Martial Law kahit na nakapaloob na inaatasan ang PNP at AFP na dagdagan ang puwersa sa apat na mga lugar na kumirmadong may mataas na insidente ng lawless violence at banta ng terorismo.

Ang apat na lugar ang ang Samar, Negros Occidental, Negros Oriental at Bicol region, saan malala ang problema sa insurgency, terorismo at iba pa gaya ng away sa pagitan ng mga magsasaka at landlords.

Kaya ito ang nag-udyok sa Malacanang para maglabas ng nasabing Memorandum Order.

Tinukoy ni Panelo na itinututing na “tipping point” ang pangyayari sa Sagay, Negros Occidental para gawin ng Malacanang ang hakbang na magdagdag ng puwersa ng pulis at militar dahil na rin sa patuloy na pagtanggap ng report na may kaugnayan sa karahasan sa nabanggit na mga lalawigan at rehiyon.

Sa ilalim ng Memorandum Order, inaatasan ang AFP at PNP na pakilusin ang intelligence operation nito kontra sa sino mang indibidwal o grupong may kinalaman sa paghahasik ng karahasan sa alinmang nabanggit na lugar.

3

Related posts

Leave a Comment