DAGDAG-PONDO SA DIALYSIS SA LUNG CENTER IBIBIGAY NG PCSO

sandracam12

(NI ABBY MENDOZA)

ISUSULONG ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Sandra Cam na madagdagan ang pondong ibininigay ng ahensya para sa dialysis treatment kasunod na rin ng pagdami ng mga pasyenteng nangangailangan ng tulong.

Si Cam ay bumisita ngayong Huwebes sa  sattelite office ng PCSO sa Lung Center of the Philippines(LCP)  kung saan namigay pa ito ng libreng arrozcaldo at itlog sa may mahigit 400 na pasyente at kaanak nito na nakapila para sa kanilang hinihinging medical assistance.

Hindi ito ang kauna unahang surprise visit ni Cam dahil madalas ito nagtutungo sa LCP kung saan maraming pasyente ang dumadagsa para humingi ng tulong, ayon kay Cam, nais nyang personal na tiyakin na maayos ang kalagayan ng mga pasyente at kaanak nito lalo at panahon na ng tag-ulan.

“Kahit bumabagyo hindi naman natitinag ang ating mga kababayan sa paghingi ng medical assistance kaya tayo sa PCSO ay sisiguraduhin natin na maayos ang kanilang lagay dito, may masisilungan na hindi naman sila malalamigan at mababasa lalo marami sa kanila ay gabi pa lang naghihintay na dito,umulan man o umaraw. Sa ngayon nakita naman natin na maayos ang kanilang kalagayan at masaya tayo na ganito ang ating dinatnan,” pahayag ni Cam.

Matapos ang paalmusal ay ilang pasyente ang dumulog kay Cam para hingin ang tulong nito na madagdagan ang pondo para sa dialysis.

Sinabi ni Alfredo Cruz ng Paranaque, 56 anyos, na 5 taon nang nagdidialysis, na magandang pagkakataon ang pagbisita ni Cam para idulog nila ang hiling na maitaas sana ang kanilang nakukuhang  pondo sa dialysis treatment, aniya, kung wala ang tulong ng gobyerno ay tiyak na matagal na syang sumuko sa kanyang sakit na End Stage Kidney Disease.

Inamin ni Cam na marami na ang lumapit sa kanya na humihiling na mataasan ng PCSO ang pondo sa dialysis at kanya nang kinakalap ang mga datos para maipresinta sa PCSO Board at kanilang mapag-aralan kung maaari at kung magkano ang maaari pang maidagdag na tulong ng gobyerno para sa mga pasyente.

175

Related posts

Leave a Comment