AFTER ANGEL’S ENGAGEMENT, SINO KINA BEA, MAJA O SARAH ANG SUSUNOD?

(NI PETER LEDESMA)

DAHIL engaged na si Angel Locsin sa negosyanteng producer na si Neil Arce, ang next step na para sa couple ay ang pagpaplano for their future wedding.

Pahulaan ngayon ang netizens kung sino kina Bea Alonzo, Maja Salvador at Sarah Geronimo ang susunod kay Angel.

Ito bang si Bea at love na si Gerald Anderson na nasa marrying age na? O ang mag-sweetheart na sina Sarah at Matteo Guidicelli ang mauuna? How about Maja and her kababata and nakabalikang non-showbiz boyfriend na si Rambo Nuñez?

Well, parang hindi sa kasal nakatutok ang atensyon ng huling couple – kundi ang mag-travel around the world yata!

Ito namang sina Gerald at Matteo parang as of now ay wala pang kabalak-balak na mag-propose sa kanilang mga syotang aktres.

Hmmm…. Abangan na lang natin, hane?

***

Level up na ang “Artistahin” segment sa “Eat Bulaga!”

Dahil sa magandang feedback ay mas pinahaba na ang aktingan sa naturang segment sa longest running noontime variety show sa bansa.

Yes, parang teleserye na sa Kapuso Network ang dating nito. And mind you, mahuhusay ang mga contestants na nagsisiganap dito – kasama, of course, sina Wally, DJ Malaya at ang first grand winner sa BakClash na si Echo.

At with matching location na talaga ang nagsisilbing set para sa “Artistahin” segment ha! Ang mga Dabarkads ay may pakulo na rin sa nasabing segment kung saan ila-like ninyo ang bet ninyong Artistahin Girls and Boys.

Ang Top 10 na may pinakamaraming likes ang pasok sa next level ng Aktingan! At para maka-like ay bisitahin lang ang official Facebook fan page ng “Eat Bulaga!”

 

107

Related posts

Leave a Comment