DAGDAG-PRESYO SA DE LATA, NOODLES INIHIHIRIT SA DTI

(NI ROSE PULGAR)

PINAG-AARALAN ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hirit ng mga canned foods manufacturers na magtataas sila ng presyo ng kanilang produktong de lata kabilang ang mga istant noodles ,sardinas, at iba pang processed foods.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez , humihirit ng dagdag presyo ang mga manufacturers ng mga de lata dahil sa umano’y pagtaas ng presyo ng mga raw materials at mga tin plates na gamit sa pagawa ng kanilang produkto.

Sinabi ni Lopez, na sakaling tumaas ang presyo ng ilang mga produktong de lata ay puedeng ang dagdag na preso P1 hanggang P3.

Aniya, pag-uusapan pa nang mabuti ang hirit ng mga foods manufactures bago sila mag-anunsyo sa pagtataas ng mga nasabing produkto.

Kaugnay nito, tiniyak ni Lopez na maglalabas sila ng panibagong Suggested Retail Price (SRP), ukol sa ipatutupad na dagdag presyo sa mga processed o de latang produkto kabilang na ang mga noodles.

 

181

Related posts

Leave a Comment