DAGDAG-SINGIL SA KURYENTE, ‘DI DAPAT IPASA SA CONSUMERS

planta12

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI sa mga consumers dapat ipasa ang dagdag na singil sa kuryente kundi sa mga may-ari ng planta na nag-shutdown na naging dahilan ng pagmahal ng presyo nito sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Ito ang iginiit ni House committee on energy vice chair Rep. Carlos Roman Uybarreta kaya hiniling nito sa Energy Regulatory Commission (ERC) na i-hold ang desisyon sakaling ipasa sa mga consumers ang dagdag na singil sa kuryente

“The cost of that failure should be borne, not by consumers, but the companies that own the power facilities that went offline. The contractual obligation to provide the replacement electricity should now be between the power producers,” ani Uybarreta.

Magugunita na nagmahal ang bentahan ng kuryente sa WESM matapos lumiit ang supply ng kuryente nang mag-shutdown ang ilang planta ng kuryente noong nakaraang buwan o habang nasa kasagsagan ng init ng panahon.

“Nasa power plant na nag-shutdown ang responsibilidad na magbigay ng kuryente at kapag hindi nila magawa iyon, sila dapat ang aako ng dagdag na singil ng pamalit na kuryente. Hindi iyan pasanin ng konsyumer at hindi dapat konsyumer ang pagbayarin,” dagdag pa ng mambabatas.

Dahil dito, sinabi ni Uybarreta na kailangang maglatag ng polisiya at regulasyon ang ERC ukol sa mga plantang nagsa-shutdown tuwing panahon ng tag-init upang maprotektahan ang mga consumers.

 

101

Related posts

Leave a Comment