DAR HINIKAYAT ANG DA EMPLOYEES: MAGING PRODUKTIBO

William Dar

Maririnig sa Filipino folk song na “magtanim ay ‘di biro ‘ ang hirap na pinagdaraanan ng mga magsasaka sa pagtatanim ng palay.

Sabi sa awitin, dahil maghapong nakayuko ang mga magsasaka, hindi ang mga ito makaupo at hindi rin makatayo.

Kaya naman sinabihan ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang kanyang mga tauhan na maging produktibo  sa kanilang trabaho.

Ayon kay Dar, kailangang ililis ng mga mga empleyado ng kanyang tanggapan ang manggas ng kanilang mga barong at uniporme upang mas mahusay na magampanan ng mga ito ang kanilang mandato sa pamahalaan.

Sa pahayag pa ng kalihim, kailangang magkaroon ng pagkakaisa ang DA family upang may mabigyan nila ng magandang serbisyo ang mga magsaaska at mangingisda.

“Kailangang makiisa ang DA family sa pagkilos upang labanan ang kahirapan at gutom partikular sa mga kanayunan at liblib na pook,” pahayan ni Dar.

Laging nasa puso ng DA family, ani Dar, ang “ani at kita” ng mga mangingisda at magsasaka kaya naman nais niyang makapaghatid ang kanyang tanggapan sa mga ito ng mas epektibo at mabisang serbisyo.

“To (level) up our game, act on time. Let us follow the “ease of doing business” principle and use it as guide and framework,” ani Dar.

Si Dar ay kinumpirma na ng Commission of Appointments noong nakaraang Disyembre bilang Agriculture Secretary.

Kabilang sa kanyang mga nakalinyang programa sa DA para sa taong kasalukuyan ay ang Youth Agricultural Development Program na kung saan ang layunin ay hikayatin ang kabataang Pinoy na pagtuunan ng pansin ang negosyo sa agrikultura. (JOEL O.  AMONGO)

116

Related posts

Leave a Comment