DAYUHAN PAPASOK SA RETAIL SECTOR, LOCAL RETAILERS NANGANGANIB

(NI BERNARD TAGUINOD)

NANGANGANIB maglaho ang mga local retailers sa bansa dahil sa isinusulong na panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ibaba ang paid-up capital ng mga foreign companies na papasok sa retail sectors.

Sa press conference nitong Miyerkoles sa Kamara, nangangamba si House minority leader Bienvenido Abante na papatayin ng mga dayuhang retailers ang mga local retailers dahil ibaba sa US$200,000 ang paid-up capital mula sa kasalukuyang US$2.5 hanggang US$7. 5 million.

“We are wary of these reduced rates because they remove the protection for Philippines micro, small and medium enterprises (MSME). Napakalaki naman po ibinaba. Kung ganun, kokonti ang minimum na ipapasok nila,” ani Abante.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil tinatrabaho na sa Kamara ang pag-amyenda sa Republic Act (RA) 8762 o Retail Trade Liberalization Act of 2000 upang maibaba na ang paid-up capital ng mga dayuhang negosyante na papasok sa retail sector sa bansa.

 MONOPOLYO SA RETAIL BUSINESS MABUBURA NAMAN

Pinaboran naman ni Marikina Rep. Estella Quimbo sa nasabi ding press conference ang nasabing panukala dahil buburahin umano nito ang monopoly sa retail business sa bansa at makikinabang ang mga consumers.

“Ang epekto ng pagbaba ng minimum paid up capital ay dadami at titindi ang kompetisyon na haharapin ng mga dambuhalang kompanya at monopoly,” ani Quimbo.

Maliban dito, tiyak din na dadami ang mga trabaho kapag dumami ang mga dayuhang magnenegosyo sa retail sector kaya sang-ayon ang mambabatas sa nasabing panukala.

Nabatid sa mambabatas na simula ng ipatupad ang nasabing batas 19 na taon na ang nakakaraan ay 43 foreign enterprises lang ang pumasok sa bansa ay 0.6% lang ang naiambag ng mga sa total work forces sa bansa sa mataas na paid-up capital.

“As we open the retail trade sector to foreign competition, we should expect prices to be lower and choices to be wider for consumers. Hindi dapat kinatatukatan ang kompetisyon. Let us embrace competition particularly in the retail sector as this will discipline the huge retail firms and conglomerates,” ani Quimbo.

 

420

Related posts

Leave a Comment