(NI ROSE PULGAR)
DUMALO sa pagdinig sa Muntinlupa Regional Trial Court si Senador Leila De Lima hinggil sa dalawang kasong umano’y pagkakasangkot ng illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison kasabay ng kahilingan na makaboto ang senador sa nalalapit na midterm elections sa Mayo.
Dakong alas -8:30 ng umaga nang dumating si De Lima sa Muntinlupa RTC, na todo-gwardyado ng mga pulis at sundalo. Naging mahigpit ang pagbabantay at maging ang camera ng mga mamahayag ay hinaharangan ng mga bantay.
Sa pagdinig, hiniling ni De Lima na siya’y payagan ng korte ng makaboto sa darating na Mayo 13 midterm elections.
Sa motion for furlough, nais ni De Lima na magawa ang kanyang “right to vote” o makalahok sa halalan at makalabas ng PNP detention facility mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ngbhapon.
Nabatid na botante sa Paranaque City ang senadora..
Hindi naman tumutol ang prosekusyon sa puntong hindi maaaring gawin ang pagboto sa PNP Custodial Center kung saan nakapiit si De Lima.
Gayunman, sinabi ng prosekusyon na dapat ay may security escort si De Lima sa kanyang gagawin pagboto. Dahil dito wala pang pasya ang korte sa kahilingan ng senadora.
Dumating din ang mga supporters ni De Lima bitbit ang placards ng pagsuporta sa senadora.
Sa isinagawang pagdinig ay iniharap din ang dating driver/aide ni De Lima na si Ronnie Dayan.
Ang drug trade laban kay De Lima ay isinampa ng Department of Justice (DoJ) sa sala ni Muntinlupa RTC Branch 205 Judge Liezal Aquiata.
173