KAPALARAN NG NATIONAL BUDGET TATANGGAPIN NG KAMARA

house

(NI BERNARD TAGUINOD)

HANDANG tanggapin ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang anumang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 General Appropriation Bill (GAB) o national budget subalit nanindigan ang mga ito na tama ang kanilang ginawa.

“ The HoR firmly supports President Digong’s action on the GAB,” ani  House Majority leader Fred Castro na sinegundahan ni House appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr.

Ginawa ng dalawang House Leaders ang pahayag matapos magbanta si Duterte na ive-veto nito ang buong 2019 national budget kapag nakakita ang mga ito ng iregularidad sa ipinasang pondo ng dalawang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Castro, pinagsikapang mabuti ng liderato ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na tiyakin na transparent ang national budget kaya nag-itemize ang mga ito upang malaman ng mga tax payers kung saan napupunta ang kanilang binabayarang buwis.

“This move is in sync  with President Duterte’s strong and unflinching stance  against corruption and wastage of public funds,” ayon pa kay Castro subalit kung iveveto aniya ng Pangulo ang buong budget ay wala umanong problema at “tuloy ang trabaho. Tuloy ang paglilingkod. Tuloy ang pagbabago.”

 

P84 BILLION NG SENADO MADADALE DIN

 

“We will respect whatever is the decision of President Duterte on the 2019 national budget. The President knows what is best for the country and our people,” ayon naman kay Andaya.

Gayunpaman, sakaling iveto ni Duterte ang buong national budget ay madadale din ang may P84 Billion ng mga senador na kinuha ng mga ito sa build-build-build projects at benepisyon ng mga sundalo, pulis at government employees at iba pa, na ayaw nilang sabihin kung saan nila inilipat.

 

289

Related posts

Leave a Comment