DELAY SA PAGPIRMA SA NAT’L BUDGET WALANG EPEKTO SA EKONOMIYA 

(NI BERNARD TAGUINOD)

KUMPIYANSA ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na hindi makaaapekto sa ekonomiya ang anim na araw na delay sa pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion.

Ayon kay  House committee Information and Communications Technology chair Victor Yap, ng Tarlac, wala itong nakikitang indikasyon na magkakaroon ng malaking epekto sa ekonomiya ang isang linggong delay sa pambansang pondo.

“For a week, I don’t think it will affect the economy unlike last year when it was (delayed) like half a year almost,” ani Yap na ang tinutukoy ay ang P3.757 Trillion na 2019 national budget na 5 buwang nagdelay dahil sa pork barrel issue.

Nabatid na sa Enero 6 pa umano pipirmahan ni Duterte ang national budget dahil nire-review pa umano nito ang inaprubahang pambansang pondo ng dalawang Kapulungan ng Kongreso.

“The signing on January 6 will be in time to finance the necessary expenditures especially the social services and the ‘Build, Build, Build’ projects. This will pump prime the economy,” ayon naman kay Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin

Unang itinakda ng Palasyo na pipirmahan ni Duterte ang pambansang pondo noong Disyembre 18, 2019 subalit hindi ito natuloy dahil pinag-aaralan pa niya ito.

Magugunita na naging kontrobersyal ang 2020 national budget matapos ilutang ni Sen. Panfilo Lacson na may pork barrel pa rin umano dito  sa inaprubahan  sa bicameral conference committee na umaabot sa P83 Billion.

Kabilang na rito ang flood control projects na hindi idinetalye kung saang lugar itatayo at ilang kilometro kaya hiniling ng mga militanteng mambabatas kay Duterte na i-veto ito.

317

Related posts

Leave a Comment