DENGVAXIA BINAWI NG FDA; DASAL NA LANG VS DENGUE — SOLON

dengue55

(NI BERNARD TAGUINOD)

“DASAL.”

Ito ang sagot ni Iloilo Rep. Janette Garin nang tanungin ng Saksi Ngayon kung ano ang mabisang panlaban sa Dengue ngayong binawi na ng Food and Drugs Administration (FDA) ang lisensya ng dengvaxia.

Ayon sa mambabatas, kailangang lakasan pa ng mga magulang ang kanilang dasal na hindi makakagat ng lamok na may dalang dengue virus  ang kanilang mga anak at makaligtas ang mga ito sa tiyak na kamatayan.

Lalong kailangang magdasal umano ang mga magulang na may mga anak na nagkadengue na huwag itong magka-dengue muli dahil kapag nangyari umano ito ay mas delikado ang kanilang magiging lagay.

Sinabi ng mambabatas na kaya isinulong ng mga ito ang Dengvaxia ay dahil sa paniniwala na 97% sa mga Filipino ay nagkaroon na ng dengue subalit hindi malalala at walang sintomas.

“Ang gusto lang natin, huwag na muling magka-dengue dahil kapag muling nagka-dengue yun ang delikado,” ani Garin subalit dahil wala na aniya ang panlaban matapos ipagbawal na ng tuluyan ang dengvaxia ay kailangang lakasan na umano ang pagdarasal.

Hindi matanggap ng mambabatas na dating kalihim ng Department of Health (DoH) na tuluyang inalis ng gobyerno ang proteksyon ng mga Filipino lalo na ang mga bata hanggang edad 45 anyos laban sa dengue.

TAKOT LANG KAY ACOSTA?

Naniniwala si Garin na kaya ginawa umano ito ng DOH at FDA ay dahil sa takot ng mga ito kay  Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta na pangunahing kontra sa nasabing bakuna.

“Pingpong ang ginagawa ng DOH at FDA. Alam nila na walang problema ang bakuna pero takot kay Acosta kaya ganyan (ang ginawa),” ani Garin.

Si Acosta ang tumutulong sa mga magulang ng mga batang namatay matapos mabakuhanan ng dengvaxia noong nakaraang administrasyon at nagsasampa ng kaso laban sa mga dating opisyales ng gobyerno kasama na si Garin.

MAGHANAP NG IBANG PARAAN…..

Samantala, iginiit naman ni ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran sa DOH na maghanap ng ibang paraan para labanan ang paglaganap ng dengue upang mailigtas ang buhay ng mga biktima at maiwasang magkaroon ng outbreak sa hinaharap.

Ginawa ni Taduran ang kautusan sa Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITAHC) matapos alisin na ng tuluyan ang dengvaxia vaccine sa bansa.

Ayon sa mambabatas, kailangang magkaroon ng alternatibong solusyon para labanan ang dengue maliban sa 4s o “Search and destroy,  Self protection measures,  Seek early consultation at Say yes to fogging”.

“Among the natural repellents, based on the past researches, are: citronella, thyme, cinnamon, lavender, neem tree and tea tree. Currently, there are no formal studies on how to concoct and use these natural mosquito repellents,” ani Taduran.

Sa ngayon ay 146, 062 na aniya ang nagkaroon ng dengue mula Enero hanggang Hulyo 2019 at marami na ang namatay kasama ang batang actress na si Niña Sophia “Sophie” Corullo.

 

 

168

Related posts

Leave a Comment