Depensa ng Malakanyang butata sa netizens BILYONG TRAVEL EXPENSES NI BBM PLEDGES LANG KAPALIT

NABUTATA ang depensa ng Malakanyang sa pagtaas ng travel expenses ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Tinawanan at kinantyawan lang ng netizens ang pahayag ng Palasyo na makabuluhan ang mga biyahe ng Pangulo.

Ayon sa netizens, hindi sulit ang bilyon na gastos sa mga biyahe ng Pangulo dahil puro pledges o pangako lang ang nakukuha nito sa mga pinupuntahang bansa.

“My goodness.. Meron na bang nauwi na investment Yan or pledge lang lahat.” Post ni birangzkie sa X (dating Twitter).

“Madalas na batalyon ba naman sabit na bumibida pa sa fb post na proud ipost kasali sila. Kung barangays nga may field trip din na lagi seminar ang dahilan pati local tapos wala naman output,” ayon naman kay etxetera.

“Anu ang napala ng bansa sa travel na yan puro pledges na hanggang matapos ang term nya ay mananatiling pledges,” himutok naman ni X user JeCh.

Nauna rito, sa isang kalatas ay sinabi ng Presidential Communications Office na ang ‘increase’ o paglaki ng travel expenses ay sumasaklaw sa local at foreign travels.

Nauna rito, iniulat ng Commission on Audit (COA) ang pagtaas ng 1,453% sa naging travel expenses ng Office of the President (OP) sa taong 2022.

Sa ulat ng COA – sumipa ang mga nagastos ng OP sa travel mula P25.2Milllion noong 2021 – sa halos P400Million noong nakaraang taon.

“The Office of the President’s (OP) traveling expenses in 2022 increased by P367 million compared with 2021 due to Marcos’ official trips in at least six countries,” ayon sa COA.

Tinuran naman ng PCO na ang OP “has received a huge volume of invitations for international events, conferences, high-level meetings, and state visits, among others.”

“The OP has acceded to some of these requests, knowing that the country and the public, in general, will benefit immensely from the President’s participation in these engagements,” dagdag na pahayag ng PCO.

Matatandaang sinabi ni Go Negosyo Founder Joey Concepcion na kailangang puntahan ni Pangulong Marcos ang mga biyahe sa labas ng bansa lalo’t may kinalaman ito hinggil sa paghikayat ng mga mamumuhunan sa bansa.

Ang Pangulo, bilang CEO ng Pilipinas ay kailangang maging visible lalo’t marami ang kalaban sa paghikayat ng mamumuhunan.

Bukod dito, nais ding marinig ng iba pang mga lider at mga foreign investors ang bisyon ng Pangulo, istilo sa pamamahala, maging ang line-up ng kanyang gabinete, gayundin ang pribadong sektor na sumusuporta sa kanya.

Kaya ang Presidente bilang CEO ng Pilipinas, ani Concepcion, ay hindi talaga makaiiwas sa biyahe sapagkat mahalagang mailatag nito ang kanyang bisyon sa mga mamumuhunan.

(CHRISTIAN DALE)

114

Related posts

Leave a Comment