DFA KAKALAMPAGIN NG ANAKBAYAN

ANAKBAYAN

MAGSASAGAWA ng kilos protesta ang grupong Anakbayan sa harapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Roxas Boulevard, Pasay City upang kalampagin ang gobyerno sa kawalang proteksyon sa  overseas Filipino workers (OFWs)  sa  Gitnang Silangan at iba pang parte ng Asya.

Ang gagawing rally ay kaugnay sa pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu bilang Middle East envoy.

“The United States’ terror tactics in West Asia have been putting innocent lives in danger, including Filipino overseas workers,” ani Alex Danday, Anakbayan national spokesperson.

“Yet we see Duterte declaring his outright connivance with the United States instead of remaining neutral in the conflict.”

Sinabi ng Malakanyang na nasa panig  ng US ang pamahalaan kapag may nasaktang Filipino sa nagaganap na kaguluhan sa Middle East.

Ngayong Linggo si Duterte ay nangakong magpapadala ng dalawang AFP battalions upang magsagawa ng “repatriation efforts for OFWs.”

Malaki ang pag-ayaw ng Anakbayan kay Cimatu dahil sa pagkakasangkot umano nito sa multi-million plunder cases sa ilalim  ng pamahalaang Arroyo.

Noong 2003, sa panahon ng US-Iraq war, ang rehimeng Arroyo ay naglaan ng $293,500.00 sa sunod- sunod na evacuation operations sa Middle East na pinangunahan ni Cimatu.

Kalaunan ang kinalabasan na ‘gargantuan funds’ ginamit sa halip ay nagtalaga ng 51 Filipino soldiers at bumili ng military equipment para tumulong sa pag-atake ng US laban sa Iraq. (JOEL AMONGO)

162

Related posts

Leave a Comment