DFA: WALANG PINOY SA BANGLADESH HIJACKING

hijack

(NI ROSE PULGAR)

WALANG Filipino na kabilang sa mga pasaherong sakay ng Biman Bangladesh flight na nag emergency landing kasunod ng tangkang pag-hijack noong Linggo, ayon sa kumpirmasyon ng Department of Foregn Affairs Lunes ng tanghali.

Sa nakarating na report sa DFA mula sa Philippine Embassy sa Dhaka sa Home Office ng DFA,  ang Flight BG-147 ay umalis patungong Dubai mula sa capital ng Bangladesh at nagsagawa ng emergency  landing sa Chattogong airport sa Silangan bahagi ng Bangladesh.

Ang suspect na armado ng baril ay napatay ng security forces na lumusob sa eroplano matapos ang emergency landing.

Lahat ng 148 pasahero at crew ng Biman Bangladesh Airlines ay ligtas na nakababa ng eroplano. Hindi pa batid kung ano ang motibo ng hijacker na nasa 25 ang edad.

Tinangka umanong arestuhin ang lalaki ngunit nanlaban ito, ayon sa report, dahilan para barilin ang suspect.

6

Related posts

Leave a Comment