‘MAGKAIBANG PANAHON, PAREHONG LABAN’

edsa500

(NI BERNARD TAGUINODPHOTO BY ITO SON)

INILARAWAN ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano na magkaibang panahon ngunit parehong laban ang sinuong ng mga Filipino noong 1986 na naging ugat ng Edsa People Power revolution sa panahon ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag kasunod ng paggunita ng ika-33 taong anibersaryo ng Edsa 1  na nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa kapangyarihan matapos ang 20 taon pamumuni sa bansa.

“Tatlong dekada na ang nakalilipas ngunit nasasaksihan pa rin natin ang mala-diktaduryang pamamahala sa gobyerno. Kaliwa’t kanan ang paglabag sa karapatang pantao — pagpapatahimik sa mga kritiko ng administrasyon, pagsikil sa karapatan sa malayang pamamahayag, extra-judicial killings, at ang hindi matapos-tapos na martial law sa Mindanao,” ani Alejano.

Pilit aniyang ibinabalik ng kasalukuyang gobyerno ang madilim na bahagi ng kasaysayan na naranasan na ng mga Pilipino mahigit 33  taon na ang nakararaan dahil sa mga nararanasan ngayon.

Ganito rin ang pananaw ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin subalit tulad aniya ng mga Filipino noong panahon ni Marcos, hindi magpapatinag umano ang mga Filipino at ilalaban ang demokrasyang unti-unti nang winawasak kaya hindi dapat kalimutang ang nasabing mapayapang rebulusyon.

“Hindi ito basahan na itinatapon matapos gamitin kundi isa itong mitsa na pedeng sindihan anumang oras para muling ipaglaban ang demokrasya’t kalayaan,” ayon pa kay Villarin.

Maling ang mga militanteng grupo ay nagsabi na nanganganib ang demokrasya sa kasalukuyang administrasyon dahil kung ano ang ginagawa umano ni Marcos noon ay nangyayari na ulit ngayon kaya hindi umano ito dapat bitawan para patuloy na ipalaala sa bagong henerasyon ngayon ang labang sinuong ng mga tao noong 1986.

“The EDSA People Power teaches us that our country is built upon such moments when the people fully use their right to dissent and protest.  Through our collective action, we were able to do what was thought impossible: drive out of power one who wielded it to oppress the people economically and politically,” ani ACT party-list Rep. Antonio Tinio.

 

 

8

Related posts

Leave a Comment