‘DI MAGBIBITIW; TERMINO TATAPUSIN NI ALBAYALDE

albayalde12

(NI AMIHAN SABILLO)

“WHETHER you like it or not, I will retire ”

Paninindigan ito ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde sa gitna ng mga panawagan na magbitiw siya sa pwesto dahil sa isyu ng ninja cops noong panahon na nakatalaga ito sa lalawigan ng Pampanga.

Anya, tatapusin niya ang kanyang termino hanggang Nobyembre dahil nananatili umano ang tiwala sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit nito na hanggang sa mga oras na ito, ay wala pang napipiling susunod na Chief PNP ang Pangulo kaya itutuloy nya lang ang kanyang pagseserbisyo.

Samanatala, muli namang tiniyak ni Albayalde na mananatiling walang humpay  ang kanilang kampanya sa giyera kontra iligal na droga sa kanyang nalalabing 30 araw bilang hepe ng PNP.

NILALAMAN NG EXECUTIVE SESSION SA SENADO ISIWALAT-ALBAYALDE

“Madaling mag akusa pero mahirap magbigay ng ebidensya ” pagbibigay-diin ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde sa gitna pa rin ng isyu na kinakaharap nya tungkol sa pagre-recycle ng iligal na droga.

Ayon kay Albayalde, mula nang magkaroon ng Senate hearing tungkol sa ninja cops, walang kahit isang ebidensya na makapagdidiin sa kanya sa kontrobersya.

Kaya naman nanawagan ito ngayon na, isapubliko ang laman ng executive session.

Naniniwala si Albayalde na naendorso na ang susunod na hepe ng PNP sa session at isa ito sa pinag-ugatan kaya siya ang napag-iinitan ngayon.

Posibilidad din umano na may gustong humarang ng kanyang ieendorso na susunod na PNP.

128

Related posts

Leave a Comment