DICTATORSHIP BIGO KAY RESSA

“LET this serve as a reminder that dictatorships will never succeed.”

Ito ang reaksyon ni dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares sa pagkakabasura sa tax evasion case na isinampa ng administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte laban kay Rappler CEO Maria Ressa.

Hindi rin ikinagulat ni ACT party-list Rep. France Castro ang kinahinatnan ng kaso dahil gawa-gawa lamang umano ito ni Duterte upang patahimikin ang kanyang mga kritiko, hindi lamang sa hanay ng mamamahayag kundi sa mga progresibong grupo.

“Alam naman natin na tipo ng harassment suit ang isinampa ng Duterte administration noon kay Maria Ressa tulad ng mga trumped up charges na isinampa din laban sa mga aktibista at oposisyon,” ani Castro.

Bukod dito, maituturing din umano na tagumpay ito sa press freedom sa gitna ng patuloy na pamamayagpag ng fake news, red tagging at represyon kahit wala na si Duterte sa pwesto.

Dahil dito, umapela si Colmenares sa media na huwag matakot at patuloy na ipaglaban ang katotohanan subalit kailangan pa rin aniyang mag-ingat lalo na’t nasa poder muli ang mga tauhan ni Duterte.

“We must not let our guard down as fascists who are intolerant of dissent are again occupying key positions in the Marcos Jr. administration, itching to ram their kind of thinking on the populace,” ani Colmenares.

Hindi nagbanggit ng pangalan ang dating mambabatas subalit dalawang dating heneral ni Duterte ang naibalik sa puwesto sa katauhan nina National Defense Secretary Carlito Galvez at National Security Adviser Eduardo Año. (BERNARD TAGUINOD)

16

Related posts

Leave a Comment