DIGITAL PAYOUT ITINULAK SA AYUDA SA 15M MAHIHIRAP

MULING iminungkahi ni Senador Alan Peter Cayetano sa Department of Information and Communications Technology at sa economic team ng pambansang pamahalaan na gumawa ng e-payout system sa pamamahagi ng ayuda.

Ito ay upang mabawasan ng computer algorithms ang “pamumulitika” at korapsyon na nangyayari sa tradisyunal na bigayan ng ayuda.

Kasabay ito ng panukalang paglalaan ng pondo sa ayuda para sa bawat pamilyang Pilipino sa ilalim ng pambansang budget ng susunod na taon, na sinisimulan nang pagdiskusyunan ngayon ng mga senador sa plenaryo.

“Let’s study it this year, maybe for [the] 2023 [budget] because in 2024, we might not even need it,” wika ni Cayetano sa kanyang interpellation nang i-presenta ng Senate Committee on Finance sa plenaryo ang panukalang budget para sa Department of Budget and Management nitong November 9, 2022.

“My point in giving it now is to address the continuing high prices and threat of the pandemic, ngayon na everyone is suffering from mataas na presyo, kawalan ng trabaho, maliit na kita,” dagdag niya.

Giit ng Senador, mas simple at mas magiging madali para sa mga Pilipino kung direkta nang ibibigay sa kanila ng gobyerno ang cash assistance imbes na nakakalat ito sa iba’t ibang ahensya at mga programa. (ESTONG REYES)

29

Related posts

Leave a Comment